Lover ni misis initak, grabe

ALBAY – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 22-anyos na lalaki makaraang itakin ng mister ng babae na naaktuhang nakikipagtalik ang una kamakalawa ng gabi sa Barangay Masarawag, Guinobatan, Albay.

Ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ng biktimang si Erdy Opiana, may asawa at magsasaka, samantalang sumuko naman ang suspek na si Rolando No, 24, may asawa, magsasaka rin at kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Bago pa maganap ang insidente ay kumalat ang masamang balita na may relasyon ang misis ng suspek sa biktima.

Ayon sa pulisya, tiniktikan ng suspek ang kanyang misis at dakong alas-9 ng gabi ay naaktuhan nito ang kanyang misis na nakikipagtalik sa loob ng kusina ng kanilang bahay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments