Sinabi ni Police Regional Office (PRO) 3 P/Chief Supt. Vidal Querol, inatasan na siya ni PNP Chief P/Director General Edgar Aglipay na sibakin sa puwesto ang nasabing mga pulis kaugnay na rin ng paglilinis sa bakuran ng PNP laban sa mga scalawags.
Ayon kay Querol, may 798 miyembro ng pulisya sa kanyang rehiyon ang sumailalim sa drug test at 27 sa mga ito ay positibo sa drug test kung saan apat ang nauna nang tinanggal habang ang 23 pa ay sumasailalim sa summary dismissal dahil sa nasabing kaso.
Nabatid pa kay Querol na umaabot na sa 148 mga barangay sa buong Central Luzon ang apektado sa kasalukuyan sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot kabilang ang Bulacan.
Sa Bulacan ay mayroong 34 mga barangay ang sinasabing lantad sa mga kumakalat na ilegal na droga.
Kaugnay nito, binalaan ng opisyal ang mga miyembro ng pulisya sa nasabing rehiyon na tatanggalin sa serbisyo kapag napatunayang sangkot sa paggamit o pagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Efren