^

Probinsiya

23 pulis na positibo sa drug test, sisibakin

-
Bulacan – Dalawampu’t tatlong pulis na pawang nahaharap sa ‘summary dismissal’ ang nakatakda ng sibakin sa serbisyo matapos na mapatunayang positibo sa paggamit ng bawal na gamot.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO) 3 P/Chief Supt. Vidal Querol, inatasan na siya ni PNP Chief P/Director General Edgar Aglipay na sibakin sa puwesto ang nasabing mga pulis kaugnay na rin ng paglilinis sa bakuran ng PNP laban sa mga scalawags.

Ayon kay Querol, may 798 miyembro ng pulisya sa kanyang rehiyon ang sumailalim sa drug test at 27 sa mga ito ay positibo sa drug test kung saan apat ang nauna nang tinanggal habang ang 23 pa ay sumasailalim sa ‘summary dismissal’ dahil sa nasabing kaso.

Nabatid pa kay Querol na umaabot na sa 148 mga barangay sa buong Central Luzon ang apektado sa kasalukuyan sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot kabilang ang Bulacan.

Sa Bulacan ay mayroong 34 mga barangay ang sinasabing lantad sa mga kumakalat na ilegal na droga.

Kaugnay nito, binalaan ng opisyal ang mga miyembro ng pulisya sa nasabing rehiyon na tatanggalin sa serbisyo kapag napatunayang sangkot sa paggamit o pagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Efren

vuukle comment

BULACAN

CENTRAL LUZON

CHIEF P

CHIEF SUPT

DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

POLICE REGIONAL OFFICE

QUEROL

SA BULACAN

VIDAL QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with