^

Probinsiya

Sanggol hinostage ng sariling ina

-
CATANAUAN, QUEZON – Hinostage ng may kalahating-oras at pinagbantaang papatayin ng isang misis ang kanyang sariling anak na walong buwang sanggol matapos na ma-praning nang iwanan ng kanyang mister kamakalawa ng umaga sa barangay 10, Poblacion ng bayang ito.

Ang suspek na pansamantalang nasa custody ng local police ay kinilalang si Angelita Olimpio, 34, ng naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Maricel Magsino, officer on case, dakong alas-9 ng umaga ay kinakitaan ng kakaibang kilos ang suspek magmula nang iwanan siya at ang kanyang tatlong anak ng asawa.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang hinaltak ng suspek ang anak na si Arlene, tinutukan ng patalim sa leeg saka nagbantang papatayin ito kapag inagaw sa kanya.

Umabot ng kalahating-oras ang hostage-drama hanggang sa umeksena na ang ilang barangay official at mapayapang napasuko ang suspek.

May teorya naman ang pulisya na dahil sa problema kung paano pakakainin ng suspek ang kanyang mga anak kung kaya nagkaroon ito ng sakit sa utak at nagawang i-hostage ang anak na sanggol.

Nasa pangangalaga ngayon ni Barangay Kagawad Rosa Glinoga ang sanggol at ang dalawang kapatid nito. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ANAK

ANGELITA OLIMPIO

ARLENE

AYON

BARANGAY KAGAWAD ROSA GLINOGA

HINOSTAGE

MAKALIPAS

MARICEL MAGSINO

TONY SANDOVAL

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with