6 suspek sa rape nasakote

BATAAN – Anim na kalalakihan na isinasangkot sa panghahalay ng tatlong kababaihan ang dinakip ng mga awtoridad makaraang salakayin ang pinagtataguan ng mga suspek sa Barangay Camaya Zone 6, Mariveles Bataan kamakalawa. Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Mariveles ang mga suspek na sina: Mark Lemeuel Mondillo, 24; Danilo Paredez, 32; Bong Bong Mendiola, 21; Jhon Jhon Daga, 20; Cardillo Gabaya, 17 at Antonio San Juan 17 na pawang naninirahan sa Barangay Camaya at Maligaya. Base sa imbestigasyon ni PO3 Rolando Venegas, dinukot ang mga biktimang may edad na 15, 16, at 19-anyos matapos na dumalo sa birthday party sa Mariveles noong Agosto 2, 2004. Dinala ang mga biktima sa bakanteng bahay sa naturang lugar saka pinagpasasaan ng mga suspek hanggang sa madiskubre ang naganap na insidente. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments