^

Probinsiya

Lumad group vs NPA rebels: 67 patay

-
BUTUAN CITY – Lima na rebeldeng New People’s Army (NPA) at isa naman sa grupo ng lumad anti-communist ang iniulat na nasawi makaraang ang madugong sagupaan ng dalawang grupo sa hangganan ng Bukidnon at Pacquibato District sa Davao City kahapon, ayon sa ulat ng 4th Infantry Division ng Phil. Army.

Base sa ulat ng militar, tinambangan ng mga armadong grupo ng lumad anti-communist ang mga rebeldeng NPA na pinamumunuan ni Loansia Pitas, alyas Daraga sa nabanggit na lugar.

Anim sa mga rebeldeng mula sa Pulang Bagani Command 1 ng Southern Mindanao Regional Committee, ay agad na nasawi matapos ang limang oras na madugong bakbakan malapit sa Sitio Lanipao, Barangay Digongan, Kitaotao, Bukidnon.

Hindi naman agad nakilala ang mga nasawing rebelde maging ang isang kasapi ng lumad anti-communist group.

Ang pag-aalsa ng grupong lumad ay nag-ugat matapos na mairita sa ginagawang pangingikil ng mga rebelde sa kanilang grupo mula sa Barangay Maputi, San Fernando, Bukidnon at Pacquibato District sa Davao City.

Sinabi naman ni Major General Samuel Bagasin, commanding general ng 4th ID, na ang mga rebeldeng NPA na namumugad malapit sa hangganan ng Bukidnon at Pacquibato District ay namimeligrong malipol dahil umalma na ang grupong lumad na nairita sa koleksyon ng revolutionary taxes mula sa mga maralitang pamilya na karamihan ay grupong lumad na naninirahan sa mga nabanggit na barangay. (Ulat ni Ben Serrano)

BARANGAY DIGONGAN

BARANGAY MAPUTI

BEN SERRANO

BUKIDNON

DAVAO CITY

INFANTRY DIVISION

LOANSIA PITAS

MAJOR GENERAL SAMUEL BAGASIN

PACQUIBATO DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->