^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

-
Nueva Ecija – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng dalawang di pa nakilalang salarin na lulan ng isang motorsiklo habang ang biktima ay naglalakad malapit sa gusali ng Iglesia ni Cristo sa Brgy. Bagong Sikat, Talavera, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Sidney Villaflor, hepe ng Talavera Police Station ang biktima na si Gregorio San Pedro, 39, may-asawa at residente ng Brgy. Homestead 2, Talavera ng lalawigang ito.

Sa paunang imbestigasyon, nabatid na naglalakad ang brgy. chairman nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki.

Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi sa pangyayari ay nakaganti pa ng putok ang biktima at pinaniniwalaang tinamaan din ng baril ang isa sa mga suspek.

Sa kasalukuyan, dalawang anggulo ang sinisiyasat ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang sa biktima, una ay posibleng may bahid ito ng pulitika at ikalawa ay iniligpit ang biktima ng mga drug lords na umano’y namumuno sa kanilang lugar sa panghuhuli ng mga drug pusher.

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kaso. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AYON

BAGONG SIKAT

BRGY

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

GREGORIO SAN PEDRO

NUEVA ECIJA

SIDNEY VILLAFLOR

TALAVERA

TALAVERA POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with