Berdugo ng Sayyaf nasakote
August 27, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nagwakas ang mahabang nagtatago ng isang lalaki na pinaniniwalaang berdugo ng grupong Abu Sayyaf na sangkot sa pamumugot ng sampung magsasakang Balobo sa Lamitan noong Hulyo 2001 makaraang masakote ng mga elemento ng militar at pulisya sa Basilan kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, kinilala ang nalambat na bandido na si Mujalun "Kajul" Asalun ng Tipo-Tipo, Basilan.
Si Asalun ay dinakip dakong alas-4 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Principe ng Isabela Regional Trial Court.
Base sa rekord ng mga awtoridad, maliban sa pagiging berdugo ni Asalun sa mga biktimang walang maibayad na ransom ay sangkot siya sa serye ng nakawan at iba pang krimen sa Basilan at karatig pook.
Hinikayat naman ng mga awtoridad ang pamilya ng mga naging biktima ni Asalun upang kilalanin bilang isa sa mga bandidong dumukot sa mga magsasaka may tatlong taon na ang nakalipas.
Ang sampung magsasaka na pinugutan ay kabilang sa 35-katao na binihag ng mga bandido noong 2001.
Aabaot naman sa 200 kasapi ng grupong Abu Sayyaf ang nahaharap sa kasong kriminal kaugnay sa serye ng kidnapping sa Mindanao Region.
Matatandaang hinatulan ng bitay ang 17-Sayyaf makaraang mapatunayang sangkot sa pagdukot sa 20-katao kabilang na ang mag-asawang misyunero sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Hulyo 27, 2001.
Bukod sa Dos Palmas kidnapping ay sangkot din si Asalun sa pagdukot ng 52 guro at estudyante sa Tumahubong, Basilan noong Marso 2000. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Victor Martin | 9 hours ago
By Omar Padilla | 9 hours ago
Recommended