^

Probinsiya

5 ministro at Koreano kinasuhan

-
DAVAO CITY – Limang ministro ng sekta ng relihiyon at isang Koreano na pinaniniwalaang nagre-recruit ng kanilang miyembro ng walang pahintulot ang Phil Overseas Employment Agency (POEA) ang dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Lunes ng umaga sa nasabing lungsod. Pormal na sinampahan ng kasong illegal recruitment at estafa ang mga suspek na sina: Alex Villanueva, Balmis Diao, George Uclusin, Romeo Ancheta, Reginaldo Subia Jr. at ang Koreano na si Park Jeong Seo, alyas Abraham Park. Kasama rin sa kinasuhan sina Roberto Diao at Romeo Talucod. Ayon sa ulat ng POEA Southern Mindanao regional office, ginagamit ng mga suspek ang kanilang samahan para makapag-recruit ng mga manggagawa patungo sa Korea sa halagang P80,000. Itinanggi naman ng mga suspek ang nasabing akusasyon. (Ulat ni Edith Regalado)

ABRAHAM PARK

ALEX VILLANUEVA

BALMIS DIAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDITH REGALADO

GEORGE UCLUSIN

KOREANO

PARK JEONG SEO

PHIL OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY

REGINALDO SUBIA JR.

ROBERTO DIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with