Pumatay dahil sa matinding selos

BULACAN – Pinaniniwalaang matinding selos ang umiral kaya napatay ang isang 25-anyos na lalaki makaraang pagpapaluin ng kahoy sa ulo ng lalaking live-in partner ng babae na nakausap ng biktima sa Barangay Binyang Second, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng ospital ang biktimang si Bernie Ponciano, ng Barangay Pio Cruzcosa, Calumpit, samantalang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Aglecerio Bernas ng Barangay Binyang 1st. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-9 ng gabi nang mamataan ng suspek ang kanyang ka-live-in na nakikipag-usap sa biktima sa loob ng tindahan. Dito na naghinala ang suspek na may relasyon ang dalawa kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments