^

Probinsiya

153 sakong asukal na pinuslit nasabat

-
SUBIC BAY FREEPORT – Apat na kalalakihan ang dinakip ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) makaraang maaktuhang ipinupuslit ang 153-sako ng imported refined Thailand sugar na nagkakahalaga ng P.5 milyon sa Tipo expressway tollgate, Subic Bay Freeport Zone, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni ESS-CPD Chief for Operations Capt. Marlon Alameda kay ESS-CPD District Commander Major Elpidio "Sonny" Manuel, nasabat dakong alas-10 ng gabi ang dalawang truck van na naglalaman ng mga asukal at nasakote ang mga suspek na sina: Adelmo Angeles, Ernesto Rafael, kapwa residente ng Barangay San Benito, Dinalupihan, Bataan na pawang mga driver nang truck van (UAF-765 at WNN-760) at ang mga pahinanteng sina: Felino Mercado, ng Dinalupihan, Bataan at Basilio Layug, naninirahan sa Barangay Pag-Asa, Dinalupihan, Bataan.

Sa pahayag ng mga suspek, isang nagngangalang "Danny" na empleyado ng Seaport Department ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang nag-utos sa kanila na kunin ang mga asukal na nakapaloob sa 20-footer container van sa Naval Supply Depot (NSD) at dalhin kaagad sa isang malaking bodega sa hindi pa tinukoy na lugar sa Bataan.

Ayon kay Alameda, nabatid na ang ipinuslit na mga imported refined Thai sugar ay una nang nakumpiska ng BoC noong nakalipas na buwan sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa loob ng Freeport.

Napag-alaman din na ilang tauhan mula sa Seaport at Law Enforcement Department (LED) ng SBMA na nagbabantay sa gate ng NSD ang kasangkot sa pagpupuslit at pagnanakaw sa mga asukal dahil sa nakalabas ang mga kontrabando sa loob ng NSD.

Kaagad namang nagpalabas ng kautusan si Customs Deputy Collector Atty. Andres Salvacion na sampahan ng kasong "robbery" laban sa mga suspek at ang "warrant of seizure and detention" para naman sa pagkumpiska sa dalawang truck van na ginamit sa pagpupuslit sa mga imported sugar. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ADELMO ANGELES

ANDRES SALVACION

BARANGAY PAG-ASA

BARANGAY SAN BENITO

BASILIO LAYUG

CUSTOMS DEPUTY COLLECTOR ATTY

DINALUPIHAN

DISTRICT COMMANDER MAJOR ELPIDIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with