^

Probinsiya

2 kamag-anak ni Gob.Maliksi tiklo sa droga

-
Dalawang magkapatid na umano’y kamag-anak ni Cavite Governor Ayong Maliksi ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng 200 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lalawigan ng Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation ang magkapatid na suspek na sina Jimmy Maliksi Paredes at Crisanto Maliksi Paredes; pawang mga residente ng #199 Anabu 2-D Imus, Cavite.

Sa report na nakalap sa tanggapan ni NBI Director Reynaldo Wycoco, dakong alas-7 ng umaga ng salakayin ng kaniyang mga tauhan ang nasabing lugar kung saan nasamsam ang nasabing dami ng shabu.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa nasabing lugar kung saan number 1 drug pushers ang magkapatid na Paredes.

Nasamsam rin mula sa magkapatid ang mga shabu paraphernalia at nadiskubre ang maraming kuwarto sa kanilang bahay kung saan diumano’y pinababatak ang kanilang mga adik na kostumer.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 ang magkapatid na drug pushers na kasalukuyang nakapiit sa NBI Integrated Jail. (Ulat ni Gemma Amargo)

CAVITE

CAVITE GOVERNOR AYONG MALIKSI

CRISANTO MALIKSI PAREDES

D IMUS

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

GEMMA AMARGO

INTEGRATED JAIL

JIMMY MALIKSI PAREDES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with