Bangka tumaob, 2 estudyante nalunod
August 21, 2004 | 12:00am
PILILLA, Rizal Dalawang estudyante ang nasawi makaraang tumaob ang kinalululanang bangka habang papatawid sa Laguna Lake kamakalawa ng gabi sa Brgy. Halayhayin ng bayang ito. Bangkay na nang matagpuan ang mga biktimang sina Erwin Diantoy, 21; at Jeffrey Mendez, pawang estudyante ng Central Colleges of the Philippines (CCP) sa Sta. Mesa, Manila.Ayon kay Rizal Provincial director Sr./Supt. Leocadio Santiago Jr., naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Laguna Lake sa Brgy. Halayhayin ng bayang ito.
Nabatid na pabalik na sa bayan ng Pililla sakay ng tatlong magkakahiwalay na bangka ang labing-isang magkaklase na kinabibilangan ng apat na babae at pitong lalaki galing sa isang picnic. Habang nasa laot ay biglang hinampas ng malakas na alon ang bangkang sinasakyan ng mga biktima na agad tumaob. Nasaklolohan naman ang dalawa pang sakay ng bangka, subalit ang dalawang biktima na kapwa hindi marunong lumangoy ay agad lumubog sa lawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest