^

Probinsiya

3 holdaper nasakote

-
CAMP CRAME – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang na nambibiktima ng mga dayuhan ang nadakip ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG), kasabay na nailigtas ang pamilya ng Hapones sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Laguna, kamakalawa.

Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director P/Chief Supt. Arturo Lomibao, ang mga nasakoteng suspek na sina Joseph Gaite, Benedicto Obosa at Rey Fan; pawang residente ng Muntinlupa City at Biñan, Laguna.

Nailigtas naman ang pinakahuling biktima ng tatlo na sina Christine Lim, asawa nitong Hapon na si Nakayama Takayuki, Medel at Arsenie Persona na itinaling parang mga baboy sa loob ng tahanan nito sa Pacita Avenue, Pacita Complex, San Pedro ng lalawigang ito.

Ayon kay Lomibao, nagawa pa umanong makatakas ng tatlo, ngunit naging maagap ang mga tauhan ng PNP-CIDG na nauwi sa pagkakadakip sa tatlo.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang piraso ng kuwintas na ginto, isang cartier ladies watch, tatlong cell phones at P3 milyong pisong cash.

Nabatid na inireport ng mga concerned citizen sa lugar ang nakitang presensiya ng mga kahina-hinalang suspek na umaaligid sa bahay ng pamilya.

Agad namang pumoste ang mga awtoridad, base na rin sa nakuhang impormasyon na ang grupo ang posibleng sangkot sa pambibiktima ng mga dayuhan sa lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

ARSENIE PERSONA

ARTURO LOMIBAO

BENEDICTO OBOSA

CHIEF SUPT

CHRISTINE LIM

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRIMINAL INVESTIGATION GROUP

DIRECTOR P

JOSEPH GAITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with