Adik nasa likod ng 2 rape-slay
August 19, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Pinaniniwalaan na isang binatilyong adik sa droga ang nasa likod ng brutal na rape-slay ng dalawang menor-de-edad na babae sa naganap na karahasan sa Sitio Napo Barangay Sta. Ana, Barili, Cebu may ilang araw na ang nakalilipas.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, tinukoy ni P/Senior Insp. Ernesto Yongco na isang 16-anyos na lalaki na itinago sa pangalang Ariel, ang pangunahing suspek sa pagpatay at panghahalay kina Analyn Jaroy, 13; at Maria Mae, apat-na-taong gulang.
Ang mga biktima ay nagtamo ng 29 na saksak ng patalim ang una at 26 naman ang ikalawang bata.
Base sa imbestigasyon, ang suspek ay natukoy matapos na marekober ng pulisya ang naiwan nitong duguang brief at t-shirt sa pinangyarihan ng krimen.
Unang namataan ang bangkay ni Maria Mae sa paanan ng burol noong Linggo may 100 metro ang layo mula sa kanilang bahay habang si Analyn naman ay nakabulagta sa gilid ng ilog.
Napatunayang kapwa ginahasa ang mga biktima base na rin sa pagsusuri ni Dr. Divinagracia Cawiling ng Rural Health Center sa bayan ng Barili, Cebu. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest