Brgy.chairman itinumba sa lamay
August 17, 2004 | 12:00am
NUEVA ECIJA Isang barangay chairman ang nasawi makaraang barilin ng malapitan ng hindi kilalang salarin habang ang biktima ay nanunood ng tong-its sa lamay ng patay sa kanilang lugar sa Barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Avelino Bacus, 42, may-asawa, na binawian ng buhay habang ginagamot sa Guimba General Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala sa likuran.
Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-10:45 ng gabi, ang biktima kasama ng kanyang mga barangay tanod ay nagtungo sa pamilya ng yumaong Remigia Garino upang makidalamhati at nag-alay ng ilang bulaklak.
Matapos ang ilang sandali ng pakikipagkuwentuhan ng biktima sa pamilya ay nagpaalam na ito. Ngunit bago lumabas sa bakuran ng bahay ay dumaan muna ito sa ilang naglalaro ng baraha, naki-usyoso at nagbiro pa umano na dapat hanggang alas-12 lang ang nagbabaraha.
Lingid sa kaalaman ng lahat na may isang hindi nakilalang lalaki na armado ng baril ang lumapit sa kapitan at dalawang beses na pinaputukan.
Agad na tumakas ang suspek sakay ng naghihintay na motorsiklo sa labas ng bahay na nagtungo umano sa direksyong Timog. Wala umanong nagawa ang mga barangay tanod nang tutukan sila ng baril ng suspek. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Tony Sandoval | 14 hours ago
Recommended