Municipal treasurer sabit sa nawawalang P7-M pondo
August 16, 2004 | 12:00am
BULACAN Nalalagay sa balag ng alangin at posibleng kasuhan ang dating OIC-municipal treasurer sa bayan ng Bocaue, Bulacan kapag hindi ito naipaliwanag kung saan ginugol ang P7.4-milyon pondo na iniulat ng Commission on Audit (COA) noong Hunyo 25, 2004.
Batay sa ulat ni COA Regional Cluster Director Carmelita R. Alvarez, dapat ipaliwanag ni OIC Municipal Treasurer Maria Elena A. Cabauatan, ang hindi pagpasok ng P 7,499, 779. 67 sa General Fund Collection Account simula noong Hunyo, 24, 2004.
Sa pagsusuring ginawa ng COA, lumilitaw ang mga sumusunod: No cash were counted, collection were not deposited intact, kawalan ng control number ng mga voucher, hindi aprobado ng alkalde ang mga lumalabas na pera, walang lagda ng OIC Budget Officer at Municipal Accountant at incomplete supporting documents.
Dahil sa rekomendasyon nina Norma Ilagan, Lorna Leoncio at Teresita Manabat na pawang nagsisiyasat ay nasibak sa puwesto si Cabauatan bilang OIC municipal treasurer ng Bocaue, Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest