^

Probinsiya

Mediamen sa Cagayan Valley nagsipag-armas

-
Camp Adduru, Tuguegarao City, Cagayan – Huwag ninyo kaming hahamunin, armado kami!

Ito ang buong tapang na tugon kahapon ng nagsisipag-armas na mga miyembro at opisyal ng Police Regional Office (PRO) 2 Press Corps sa lalawigang ito matapos na maalarma sa sunud-sunod na pamamaslang sa mga reporters sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa mga ito, ang panukala ng pamahalaan na armasan ang mga lehitimong kasapi ng media ay naayon lamang umano sa batas bunga na rin ng tumitinding pamamaslang sa kanilang hanay.

Nabatid na nagpasa ng resolusyon ang grupo kay P/Chief Supt. Jefferson Soriano, Cagayan Valley Provincial Police Director upang tumulong para mapabilis ang pag-aapruba sa mga dokumento para sa Permit-to-Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa kanilang mga lehitimong kasamahan sa pamamahayag.

Base sa report, bunga ng serye ng mga pag-atake laban sa mediamen ay nagdesisyong magsipag-armas ang PRO 2 Press Corps.

Ayon sa isinumite ng mga itong resolusyon, karaniwan nang nasa panganib ang kanilang buhay dahilan sa uri ng kanilang trabaho partikular na kapag may binabatikos na mga tiwaling pulitiko at mga sindikatong kriminal gayundin ang ilegal na pasugalan.

Tiniyak naman ni P/Sr. Supt. Albertito Garcia, Regional Police Community Relations (PCR) Chief, aaksiyunan nila sa lalong madaling panahon ang nasabing kahilingan ng mga mediamen sa lalawigan upang mapabilis ang proseso ng dokumento para sa pagsisipag-armas ng mga ito. (Ulat ni Lito Salatan)

ALBERTITO GARCIA

AYON

CAGAYAN VALLEY PROVINCIAL POLICE DIRECTOR

CAMP ADDURU

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

CHIEF SUPT

JEFFERSON SORIANO

LITO SALATAN

PRESS CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with