5 maninikwat ng riles timbog

BULACAN – Limang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na magnanakaw ng riles ng tren ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng grupo sa Barangay Catmon, Malolos City kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Crisanto Mangayos, Alberto Aribal, Juanito Geñolez, Nelson Leoncio at Jacob Lising. Napag-alaman sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Marcial, hepe ng Bulacan Traffic Management Group, na ang mga suspek ay nakumpiskahan ng 60 pirasong riles ng tren na pinagputul-putol, traysikel at dyip na ginagamit sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments