^

Probinsiya

Paralitiko sinunog ang sarili

-
CAMP CRAME – Isang 54-anyos na lalaking paralitiko ang nasawi matapos na maburyong at sunugin ang sarili na ikinasunog rin ng 3 barangay na tinatayang umaabot sa P10 hanggang P15-milyon ang napinsalang ari-arian sa naganap na sunog sa Puerto Princesa, Palawan kahapon.

Sinabi ni P/Chief Supt. Alejandro Lapinid Regional Police Director ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) ang sunog ay nag-umpisa dakong alas-2 ng hapon matapos na buhusan ng kerosene gas ng biktimang si Dominador Sedaya ang kanyang sarili.

Ayon kay Lapinid, ibig ng biktima na tapusin na ang kanyang paghihirap matapos itong ma-stroke na pumaralisa sa kanyang buong katawan.

Nalitson din ang anim-na-buwang sanggol na si Novelyn Marquez at 300 kabahayan ang nilamon ng apoy.

Nabatid na tatlong barangay ang naapektuhan ng sunog na kinabibilangan ng Sea Planes 1, 2 at Tagumpay Seaside.

Sinabi pa ng opisyal na malakas ang hangin sa lugar kaya’t masyadong mabilis ang naging pagkalat ng apoy. Ang insidente ay itinuturing na pinakagrabeng naganap sa Palawan sa loob ng nakalipas na ilang taon.

Kaugnay nito, nakipagkoordinasyon na ang Provincial Disaster Coordinating Council ng Puerto Princesa City sa lokal na pamahalaang lungsod para sa relokasyon ng 1,500 pamilya na nasunugan.

Nabatid pa na ipinag-utos na rin ni Puerto Princesa City Edward Hagedorn ang pansamantalang kupkupin sa Puerto Princesa Coliseum ang mga naapektuhang residente ng lungsod at namahagi na rin ang mga ito ng pagkain at damit. (Ulat nina Joy Cantos at Arnell Ozaeta)

ALEJANDRO LAPINID REGIONAL POLICE DIRECTOR

ARNELL OZAETA

CHIEF SUPT

DOMINADOR SEDAYA

JOY CANTOS

NABATID

NOVELYN MARQUEZ

PALAWAN

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with