5 tulak tiklo sa drug bust

BULACAN – Limang sibilyan ang iniulat na dinakip ng mga kagawad ng pulisya sa isinagawang drug bust operations sa magkakahiwalay na bahagi ng Plaridel, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Vernie Tamba ng Barangay Inaon, Pulilan; Glen Clemente; Jose Ragsag na kapwa tubong Plaridel, Bulacan; Hasmin Pagsidan at Marissa Laso na kapwa residente ng Novaliches, Quezon City. Sa ulat, si Tamba ay nakumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P980, habang sina Clemente at Ragsag ay P2,310 at sina Pagsidan at Laso naman ay P4,672. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments