^

Probinsiya

Trader at katulong minarder

-
CAMP CRAME – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang matandang Tsinoy trader at katulong nito ng apat na kasapi ng grupong akyat-bahay matapos na pasukin ang kanilang tindahan na sakop ng City Road Kalaw East, Santiago City, Isabela kahapon.

Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay nina: Rosa Dy, 71, may-ari ng Li Chian Construction and Auto Supply at Aurea Cabanting, 47, katulong.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, agad namang nasakote ang dalawa sa apat na suspek na sina: Norian Pineda at Ricardo Cinco na pawang manggagawa sa gasolinahan na malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtataka ang mga kapitbahay ng mga biktima na nanatiling sarado ang naturang tindahan, gayung maaga itong nagbubukas.

Sa pag-aakalang tinanghali lamang ng gising ang mga biktima ay kinatok ng ilang kapitbahay, subalit bumukas ang pintuan at tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng mag-amo.

Pinaniniwalaan namang pinaslang ang mag-amo habang natutulog sa kanilang kuwarto.

May teorya naman ang pulisya na pawang lango sa ipinagbabawal na gamot ang mga suspek at napagtripang pasukin ang tindahan ng mag-amo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AUREA CABANTING

BANDANG

CAMP CRAME

CITY ROAD KALAW EAST

JOY CANTOS

LI CHIAN CONSTRUCTION AND AUTO SUPPLY

NORIAN PINEDA

RICARDO CINCO

ROSA DY

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with