Biyuda pinatay

SAN PEDRO, Laguna – Isang 69-anyos na biyuda ang brutal na pinatay ng kanyang boarder na lalaki bago iniwan ang bangkay sa nasusunog niyang bahay sa San Pedro, Laguna kahapon. Ang biktima na pinalo ng bakal sa ulo ay nakilalang si Angelita Conte na dating manggagawa sa pabrika ng Kimberly Clark Phils. Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng suspek habang tinutugis ng pulisya. Base sa ulat ni Senior Insp. Danilo Cabaluna, San Pedfro fire chief, natagpuan ang bangkay ng biktima sa sariling bahay na nasusunog. Naapula naman ang apoy bago pa kumalat sa kalapit bahay. Nakalaylay ang leeg sa kinauupuang silya ang matanda. Namataan naman ng ilang saksi na lumabas ang boarder na lalaki ng biktima mula sa bahay na nasusunog na may bitbit na tangke ng liquified petroleum gas (LPG). (Ulat ni Rene Alviar)

Show comments