100 bahay winasak ng buhawi

CAMP AGUINALDO – Umaabot sa sandaang kabahayan at P1-milyong pananim ang sinalanta ng buhawi sa apat na barangay na sakop ng Talisay City, Cebu kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Cebu City Disaster Coordinating Council, kabilang sa mga barangay na sinalanta ng buhawi ay ang Dumlog, Tabunok, San Isidro at Bulacao na ngayon ay isinailalim sa state of calamity. Naapektuhan din ang linya ng mga komunikasyon at elektrisidad. Base sa ulat, tumagal ng limang minuto ang pananalasa ng buhawi at patuloy namang namamahagi ng mga relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments