Adik na drayber dinedo ng amain

BULACAN – Isang 26-anyos na traysikel drayber na pininiwalaang lulong na sa droga ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng dalawang ulit ng kanyang amain sa Barangay Poblacion, Plaridel, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan ang biktimang si Nicolas Cura Jr. samantalang ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Eduardo Morales, 56, negosyante at kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen ay nagkainitan ang dalawa hanggang sa mauwi sa suntukan, subalit pinayapa ng ilang kapitbahay. Makalipas ang ilang minuto ay pinuntahan ng suspek ang biktima na nakatayo sa tindahan at isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments