3 rebelde nalambat ng militar

CAMP SIMEON OLA – Tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nalambat ng mga tauhan ng Army’s 65th Infantry Battalion makaraang suyurin ang liblib na bahagi ng Sitio Curupuag, Barangay Oma-Oma, Ligao City, Albay noong Huwebes ng tanghali. Kabilang sa mga rebeldeng sumasailalim sa tactical interrogation ay sina: Leticia Nebria, Loreto Lomvergel at Rogelio Garcia na inaresto matapos na mamataang gumagala sa nasabing lugar. Kasunod nito, ay nadiskubre naman ng militar ang abandonadong kampo ng NPA at nasamsam ang ilang baril, medical kit at mga subersibong dokumento. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments