Kidnaper ng trader nasakote

CAMP AGUINALDO – Nagwakas ang pagtatago ng isang kidnaper ng negosyante sa Cabanatuan City makaraang salakayin ang pinagkukutaan nito sa Barangay Maura, Aparri, Cagayan, ayon sa ulat kahapon. Nakapiit ngayon ang suspek na si Mario Vicente, alyas Greg Valdez ng Barangay Ofelio, Cabanatuan City. Ang pagkakadakip sa suspek ay bunsod ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Federico Fajardo ng Regional Trial Court 3rd Judicial Region ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat, ang suspek ay itinuturong kidnaper ni Boy Alfonso ng Kapitan Pepe Subdivision may ilang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments