^

Probinsiya

NPA tinukoy na killer ng anak ng konsehal

-
CAMP AGUINALDO – Tinukoy kahapon ng militar na ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagdukot at brutal na pagpaslang sa estudyanteng anak ng isang konsehal sa lalawigan ng Aurora.

Kinilala ni AFP-Northern Luzon Command Lt. Gen. Romeo Dominguez ang biktimang si Jeffrey Veranosa, 18, anak ni Councilor Hermilio Veranosa.

Ang biktima ay napaulat na nawawala matapos na dukutin ng mga armadong kalalakihan noong Hulyo 20, 2004 sa Brgy. Dimatubo, San Luis, Aurora.

Nabatid na ilang araw matapos na dukutin ang biktima ay natagpuan ang nagsisimulang maagnas na bangkay nito na itinapon sa bahagi ng sakop ng Sitio Palukpok ng nabanggit na barangay.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at tadtad ng mga pasa sa malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na palatandaang tinorture muna bago pinaslang.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang biktima, estudyante ng Ditumabo National High School ay huling nakitang buhay habang nanghuhuli ng ibon malapit sa kanilang tahanan. (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

COUNCILOR HERMILIO VERANOSA

DITUMABO NATIONAL HIGH SCHOOL

JEFFREY VERANOSA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

NORTHERN LUZON COMMAND LT

ROMEO DOMINGUEZ

SAN LUIS

SITIO PALUKPOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with