^

Probinsiya

8 bayan sa Bulacan ginawang dumpsite

-
BULACAN – Umaabot sa 100 toneladang basura na pinaniniwalaang hinakot mula sa tatlong lungsod sa Metro Manila ang nadiskubreng itinatapon araw-araw sa walong bayan sa Bulacan.

Base sa nakalap na ulat, ang toneladang basura na naiipon sa Caloocan, Valenzuela at Quezon City ay malayang naipapasok sa ginawang dumpsite sa bayan ng Obando, Marilao, Sta. Maria, Guiguinto, Hagonoy, Paombong, Calumpit at San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat, isang malaking trucking company na may opisina sa Sta. Maria, Bulacan na pag-aari ng maimpluwensyang trader na may inisyal na C.H. ang nakakontrata sa tatlong lokal na pamahalaan upang humakot ng toneladang basura at itapon sa mga nasabing bayan.

Hindi naman nabatid sa ulat kung may pahintulot ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang ginawang dumpsite sa kanilang bayan.

Matapos na makarating sa kaalaman ni Bulacan Governor Josie dela Cruz ang nasabing isyu ay inatasan ang mga kinauukulang na masusing imbestigahan ang sinumang responsableng opisyal ng lokal na pamahalaan para panagutin. (Ulat ni Efren Alcantara)

AYON

BULACAN

BULACAN GOVERNOR JOSIE

CALOOCAN

CALUMPIT

CRUZ

EFREN ALCANTARA

METRO MANILA

QUEZON CITY

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with