^

Probinsiya

50 mag-aaral nalason sa bunga ng tuba-tuba

-
ZAMBOANGA CITY – Aabot sa limampung mag-aaral sa elementarya ang iniulat na nalason makaraang kumain ng bunga mula sa puno ng tuba-tuba malapit sa pinapasukang eskuwelahan ng mga biktima kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Dr. Rodelyn Agbulos, director ng Zamboanga City Health Office, ang mga biktima na pawang may edad na 7 hanggang 11-anyos ay estudyante sa Cabatangan Elementary School.

Sa ulat, halos magkakasabay na kumain ng bunga ng tuba-tuba ang mga biktima bago nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan at nagsusuka.

Dahil sa takot na may masamang mangyari sa mga biktima ay agad naman isinugod sa Zamboanga City Medical Cenrer.

Nabatid sa ulat, na ang dahon ng naturang puno ay maaaring gawing herbal medicine, subalit ang bunga nito na kaakit-akit kainin ay naglalaman ng lason.

Naniniwala naman si Agbulos na naakit ang mga biktima sa hugis ng bunga kaya pinitas saka ipinasa sa ibang kaklase para tikman hanggang sa maganap ang insidente.

Napag-alaman sa ulat na may 37 bata ang ginagamot sa naturang ospital simula pa noong Lunes at ang natitira ay pinauwi na sa kanilang bahay pero nanatiling inoobserbahan. (Ulat ni Roel D. Pareño)

vuukle comment

AABOT

AGBULOS

CABATANGAN ELEMENTARY SCHOOL

DAHIL

DR. RODELYN AGBULOS

NABATID

NANINIWALA

ROEL D

ZAMBOANGA CITY HEALTH OFFICE

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENRER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with