^

Probinsiya

Saku-sakong pampasabog nasamsam

-
CAMP CRAME – Saku-sakong sangkap ng pampasabog at blasting caps ang nasamsam ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkaaresto ng may-ari ng malaking tindahan sa isinagawang operasyon sa Mangaldan, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang suspek na si Josephine Mapanao, 60, may-asawa at residente ng Barangay San Miguel, Calasiao ng nasabing lalawigan.

Isinagawa ang pagsalakay dakong alas-5:30 ng hapon makaraang ang test-buy operation ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) ng PNP at intelligence operatives ng militar kaya nagpalabas ng search warrant si Judge Silverio Castillo ng Dagupan City Regional Trial Court.

Kabilang sa nasamsam sa tindahan ni Mapanao ay ang apat na sako ng potassium nitrate, apat na sako ng agri-potassium nitrate at 63 na sako ng ammonium nitrate na isinama sa mga pampakain ng baboy.

Napag-alaman sa ulat, na bagaman ang mga nakumpiskang kemikal ay maaring gamiting pampataba at pampabunga ng mangga ay maaari rin gamiting sangkap sa pampasabog. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY SAN MIGUEL

CALASIAO

DAGUPAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

ISINAGAWA

JOSEPHINE MAPANAO

JOY CANTOS

JUDGE SILVERIO CASTILLO

KABILANG

MANGALDAN

REGIONAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with