^

Probinsiya

Utak sa pagpatay kay Col. Foja nasakote

-
ORIENTAL MINDORO – Naaresto na kahapon ng mga operatiba ng Calapan PNP ang itinuturong utak sa pagpatay kay P/Supt. Rodrigo Foja noong Hulyo 19, 2004 sa Barangay Tawiran, Calapan City.

Base sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Voltaire Calzado, provincial director ng Oriental Mindoro, dinakip si PO1 Ricky Rom sa bahagi ng Raon Street, Quiapo, Maynila kahapon ng umaga matapos na makipagtulungan sa mga pangkat ng Calapan PNP ang asawa nitong si PO1 Analyn Rom.

Ayon pa sa ulat, sa pamamagitan ng cell phone ay nakipagkasundo ang suspek sa kanyang asawang pulis na makipagkita sa naturang lugar.

Dito na naaresto ang suspek matapos na makipagkita sa asawa.

Pormal na sasampahan ng kasong murder si PO1 Ricky Rom matapos na marekober ang kanyang service pistol sa napatay na utol na si Rene Rom na nakipagbarilan sa mga alalay ni Col. Foja.

Lumilitaw sa imbestigasyon, ang mag-utol na Rom ay pinaniniwalaang nagsabwatan para likidahin si Col. Foja matapos na hindi mapagbigyan ang hinihiling na pabor na ma-exempt sa pagsasanay na mandatory sa mga bagong pulis. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANALYN ROM

ARNELL OZAETA

BARANGAY TAWIRAN

CALAPAN

CALAPAN CITY

FOJA

ORIENTAL MINDORO

RAON STREET

RENE ROM

RICKY ROM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with