Kinalasan ng nobya nagbigti

ANTIPOLO CITY, Rizal – Isang 23-anyos na estudyante na naging kapangalan ng kontrobersyal na OFW sa Iraq na pupugutan ng mga terorista kapag hindi nai-pullout ang tropa ng militar, ang nagbigti makaraang kalasan ng kanyang nobya kahapon ng umaga sa Barangay Sta. Cruz ng lungsod na ito.

Si Angelo de la Cruz ng Sitio Marie Corazon ng nabanggit na barangay ay nag-iwan pa ng suicide note matapos na madiskubre ang bangkay nito na nakabitin sa kanyang kuwarto dakong alas-7 ng umaga. May teorya ang pulisya na dinamdam ng biktima ang pakikipaghiwalay ng kanyang nobya kaya nagdesisyong magbigti gamit ang kadena ng aso. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments