Opisyal ng PNP dedo sa ambush

CAMP CRAME – Dalawang putok ng baril ang tumapos sa buhay ng isang opisyal ng pulisya na ikinasugat din ng kanyang alalay makaraang pagbabarilin ng kapatid ng pulis habang nagsasagawa ng security operation ang mga biktima sa harapan ng sabungan na sakop ng Barangay Tawiran, Calapan City, Oriental Mindoro. kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot pa ng buhay sa Ma. Estrella General Hospital ang biktimang si P/Supt. Rodrigo Foja, deputy director ng 408th Provincial Police Mobile Group na nakabase sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Ginagamot naman sa naturang ospital si PO1 Ricky Dayo, na nabaril ng suspek na si Rene Rom, utol ni PO1 Ricky Rom.

Ayon sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Came, si Rene ay napatay din sa pakikipagbarilan kina PO1 Reneboy Ebora at SPO1 Vivencio Basilio matapos na makorner, may 100 metro ang layo sa Dragon Cockpit Arena.

Lumilitaw sa pagsisiyasat, nagpapatrolya ang biktima, kasama ang ilang kagawad ng pulisya nang barilin sa likurang bahagi si Foja.

Agad na tumakas ni Rene sakay ng motorsiklo, subalit tinugis siya ng dalawang pulis na kasama ni Foja hanggang sa mapatay ang suspek.

Base sa record, si PO1 Ricky Rom ay sinibak sa serbisyo dahil sa absences without leave (AWOL).

Naibalik naman sa serbisyo si PO1 Ricky Rom matapos ang tatlong buwang suspensyon at pinalalagay na inirekomenda ni Foja na sumailalim sa scout training.

May teorya naman ang mga awtoridad na humingi ng tulong si Ricky sa kanyang utol para makaganti kay Foja. (Ulat nina Joy Cantos, Ed Amoroso)

Show comments