^

Probinsiya

P60-M ransom para sa trader na Tsinoy

-
CAMP CRAME – Humihingi ng P60 milyong ransom ang mga miyembro ng big time kidnap-for-ransom (KFR) group kapalit ng kalayaan ng negosyanteng Filipino-Chinese sa Surigao City.

Batay sa ulat, ang biktimang kinilalang si Marlyn Go, may-asawa, may-ari ng Agfa Photo Center na matatagpuan sa harapan ng Luneta Arcade, Rizal St., Surigao City ay dinukot ng apat na armadong kalalakihan sa KM 4, national highway, Brgy. Luna ng lungsod bandang alas-9 ng umaga noong Hulyo 12.

Nabatid na ang biktima kasama ang kanyang anak na si Adrian at tutor ng bata na si Trinidad Pulvera ay lulan ng kanilang kulay berdeng Toyota Revo na may plakang UUW 811 na minamaneho ni Richard Go, asawa ng biktima nang harangin ng apat na mga kidnaper na armado ng malalakas na kalibre ng armas.

Matapos ang ilang araw ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang pamilya ng biktima mula sa mga kidnaper at humihingi ng P60 milyong ransom kapalit ng negosyante.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at hot pursuit operation ng mga awtoridad sa kaso upang mailigtas ng buhay ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

ADRIAN

AGFA PHOTO CENTER

JOY CANTOS

LUNETA ARCADE

MARLYN GO

RICHARD GO

RIZAL ST.

SURIGAO CITY

TOYOTA REVO

TRINIDAD PULVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with