^

Probinsiya

SOMO hiling ng NPA

-
I-pull-out munang lahat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang tropa bago namin palayain ang dalawang bihag na sundalo.

Ito ang kondisyong inilatag kahapon ni New People’s Army (NPA) Spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal sa pamahalaan bago umano nila pakawalan ang mga Prisoners of War (POW’s) na sina 1st Lt. Ronaldo Fidelino at Private 1st Class Ronel Nemeno.

Sina Fidelino at Nemeno, kapwa kasapi ng Army’s 42nd Infantry Battalion (IB) ay binihag ng mga rebelde matapos tambangan ang tropa ng militar noong nakalipas na Marso 2 ng taong ito sa Tinambac, Camarines Sur.

Sa isang radio interview, sinabi ni Ka Roger na palalayain nila ang mga bihag kung sususpendihin ng AFP ang kanilang isinasagawang operasyon sa tatlong lalawigan ng Bicol Region na kinabibilangan ng Camarines Sur, Camarines Norte at Albay.

Ayon kay Ka Roger hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tumutugon ang pamahalaan sa kanilang kahilingan na ipatupad ang SOMO (Suspension of Military Operations) sa tatlong lalawigan ng Bicol.

Kaugnay nito, tiniyak ni Ka Roger na sa kasalukuyan ay ligtas ang nasabing mga bihag at pinangangalagaan ng kanilang kilusan ang karapatan ng mga ito bilang mga POW’s. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BICOL REGION

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CLASS RONEL NEMENO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA ROGER

NEW PEOPLE

PRISONERS OF WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with