Jailbreak: 22 preso pumuga
July 19, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawamput dalawang preso ang pumuga mula sa municipal jail sa naganap na mass jailbreak na sakop ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sta. Rosa City, Laguna kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane, nabatid na sinamantala ng mga preso na makalingat ang mga bantay nang tumakas sa kanilang selda bandang alas-2:30 ng madaling-araw.
Kinilala ang mga pugante na sina: Florento Arceo, Aldrin Arellano, Antonio Austria, Jeff Cerdana, Ruel Orcelino, Raymund Salde, Eduardo Samonte, Benito Sarmiento, Eduardo Valendrez, Erwin Alegre, Romeo Alitagtag, Jeffrey Corros, Benedicto de Guzman, Elmer Dictado, Anthony Ismao, Edgardo Javier, Calino Protacio, Rael Romeo, Michael Vila, Francisco Valendre at Honorio Ilagan.
Ayon pa sa ulat, karamihan sa mga pugante ay may kasong drug pushing at ilan pang mabigat na kaso tulad ng murder.
Ang jailbreak ay itinaon sa construction ng P8-milyong tatlong palapag na gusali ng municipal jail, Bureau of Fire Protection at PNP station.
Kaugnay nito, agad namang idinispatsa ni P/Supt. Eduardo Sanque, hepe ng Sta. Rosa City PNP, ang kanyang mga tauhan upang tugisin ang mga nagsitakas na pugante na nagresulta sa
Sa isinagawang follow-up operation, agad naman nasakote sina: Elmer Merlin at Arnel Ilagan na kapwa may kasong droga.
Inatasan naman ni BJMP chief Director Arturo Alit, si BJMP Regional Director Jose Esmeralda na sibakin sa puwesto sina: Senior Insp. Bernie Ruiz, Sta. Rosa jail warden; JO2 Renato Talaytay; JO1 Luis Banoe at Senior Jail Officer 1 Jerry Providal. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest