^

Probinsiya

Apela sa kaso ng Chiong kidnap/slay ipinababasura

-
Nais ng tanggapan ng Solicitor General na pinal na ibasura ng Korte Suprema ang apela ng mga akusado sa pagkidnap at panggagahasa sa magkapatid na Chiong sa Cebu City.

Nakasaad sa 48 pahinang komento ng Office of the Solicitor General (OSG) na nilagdaan ni Solicitor General Alfredo Benipayo, walang bagong argumento na iprinisinta ang mga akusado sa kanilang isinumiteng motion for reconsideration.

Binigyang diin ng OSG na dati nang nasagot ng panig ng prosekusyon ang mga argumentong ipinipilit ng pitong akusado na ibinasura na rin ng Korte Suprema alinsunod sa naging desisyon noong Pebrero 3, 2004.

Kasama sa mga hinatulan ng dalawang habambuhay na pagkabilanggo ay sina Francisco Larrañaga alyas Paco; Josman Aznar, Rowen Adlawan alyas Wesley; Alberto Caño alyas Allan Pahak, Ariel Mabansag, Davidson Valiente at magkapatid na sina James at Anthony Uy.

Matatandaan na itinuturing na ‘trial of the century’ sa Cebu City ang kasong pagkidnap, panggagahasa at pagpatay sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong noong Hulyo 1997 dahilan ang mga akusado ay mula sa mga kilalang pamilya. (Ulat ni Grace de la Cruz)

ALBERTO CA

ALLAN PAHAK

ANTHONY UY

ARIEL MABANSAG

CEBU CITY

DAVIDSON VALIENTE

FRANCISCO LARRA

JACQUELINE CHIONG

JOSMAN AZNAR

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with