Ika-3 most wanted sa Bicol tiklo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Nagwakas ang siyam na taong pagtatago sa batas ng isang obrero na ika-3 most wanted sa Kabikulan makaraang masakote ng mga awtoridad sa Barangay Longus Kalayaan, Laguna kamakalawa ng hapon. Ang suspek na si Marlon Marienda, 24, ng Brgy. Banquerohan, Legazpi City ay sangkot sa patayan noong 1995 sa Sitio Nauntogan, Brgy. Bariis at may patong sa ulo ng P.1 milyon. Ang pagkakadakip kay Marienda ay bunsod ng impormasyong nakalap ng pulisya sa kanilang asset. Sa bisa ng warrant of arrest ng Legazpi RTC Branch 6 ay agad naman nasakote ang suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments