^

Probinsiya

Patay na sanggol nabuhay

-
SARIAYA, Quezon – Nagimbal ang mga residente ng nasabing bayan matapos na idineklarang patay ang isang 20-araw na sanggol, ngunit makalipas ang 30-minuto ay muling nabuhay kamakalawa sa Barangay Guis-guis, Sariaya, Quezon.

Ang sanggol na si Airon Veloso ay isinilang noong Hunyo 22, 2004 at naging kontrobersyal dahil sa walang butas ang maselang bahagi ng katawan, maging ang sana’y nilalabasan ng dumi ay walang butas.

Maging ang tiyan ng sanggol ay transparent ang balat kaya nakikita ang laman-loob.

Kahapon bandang alas-7:30 ng umaga ay idineklarang patay si Airon sa Philippine General Hospital kaya banaag sa mukha ng mga magulang ang kalungkutan.

Subalit makalipas ang ilang minuto, bandang alas-8:05 ng umaga, nagulat ang mga pasyenteng katabing kama, maging ang mga doktor ng biglang nabuhay ang nasabing sanggol.

Kasalukuyang inoobserbahan sa nabanggit na ospital si Airon na anak nina Arcelito Veloso, 22, at Aillen Veloso, 19, ng Sitio Silangan Beach, Barangay Guis-guis, Sariaya, Quezon.

Magugunitang nalathala sa pahayagang ito ang larawan ni Airon noong Hulyo 2, 2004 para humingi ng tulong mula sa mga taong may mabuting kalooban.(Ulat ni Tony Sandoval)

AILLEN VELOSO

AIRON

AIRON VELOSO

ARCELITO VELOSO

BARANGAY GUIS

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

QUEZON

SARIAYA

SITIO SILANGAN BEACH

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with