2 bata patay, 3 grabe sa kontaminadong talangka
July 12, 2004 | 12:00am
NASUGBU, Batangas Dalawang bata ang kumpirmadong namatay habang tatlo naman ang nasa malubhang kalagayan matapos kumain ng kontaminadong talangka na nahuli sa ilog malapit sa kanilang bahay sa Sitio Roxas, Brgy. Lumbangan.
Kinilala ni Dr. Gilma Arcanes, resident doctor ng Apacible Memorial District Hospital ang biktimang sina: Mary Anne Sixto, 3; at si John Lloyd Amat, 2, kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.
Namatay ang dalawang bata noong Hulyo 8, isang araw matapos makaranas ng matinding sakit ng tiyan, pagtatae, pagsusuka at pagkahilo dahil sa acute gastroenteritis.
Samantala, sina Herbert de Guzman, 3; Benji de Guzman, 1 at Arvylyn de Guzman, 3, ay ginagamot pa rin sa Apacible Memorial Hospital at Nasugbo Doctors Hospital.
Ayon sa mga magulang ng biktima, noong Martes, Hulyo 6, nanguha ng talangka ang isa sa mga kamag-anak nilang si Henry at siyang pinarte-parte at ipinakain sa buong mag-anak, kasama pati ang mga bata.
Kinabukasan, nakaranas na ng matinding sakit ng tiyan ang mga bata at sunud-sunod na nagsuka at nagtae hanggang sa ikinamatay na ng dalawa.
Ayon naman sa mga residente, maaaring nakalason sa kanila ang itinatapong toxic material sa ilog ng Consolidated Distillers of the Far East, Inc., ang kilalang gumagawa ng Andy Player whisky.
Sa panayam kay Dr. Ronala Roxas ng Nasugbu Doctors Hospital, maaaring yung talangka nga ang maaaring nakalason sa mga bata dahil lahat ng biktima ay nakakain nito.
Ngunit hindi naman matukoy ng mga doktor kung ang talangka nga ba ay nakakuha ng lason na itinapon umano ng nasabing planta.
Kaugnay nito, nagpa-blotter naman sa pulisya ang isang nagngangalang Paulino Ramos noong Hulyo 2, residente ng Sitio Roxas, matapos mapansin niyang nagpawala na naman umano ng toxic material ang nasabing pabrika.
Mariin namang itinanggi ng nasabing planta na nagtatapon sila ng lason sa ilog dahil may treatment pond umano sila na kung saan ginagawang liquid fertilizer ang kanilang mga waste materials.
Pinabulaanan naman ni Nasugbu Mayor Tony Barcelon ang pahayag ng management ng planta dahil malinaw sa ulat na ginawa ng kanyang Municipal Environment and Natural Resources Officer na si Mark Molingbayan na may violation nga ang nasabing planta pagdating sa waste disposal.
Pinaiimbestigahan naman ni Mayor Barcelon ng Consolidated Distillers of the Far East Inc. sa Dept. of Environment and Natural Resources ngayong araw ng Lunes. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended