Anak ng trader kinidnap
July 9, 2004 | 12:00am
BATANGAS Isang 46-anyos na anak ng mayamang negosyante ang iniulat na kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagja-jogging sa lansangang sakop ng Barangay 2, Mataas Na Kahoy, Batangas kamakalawa, ayon sa pulisya. Ang biktimang si Maria Elizabeth Luna ay kinaladkad papasok ng mga hindi kilalang kalalakihan sa puting kotseng walang plaka dakong alas-5:30 ng umaga. Napag-alamang ang biktima ay anak ng mayamang trader na may-ari ng Zenergex gas station at water drilling system sa nabanggit na bayan. Sinabi ni Chief Insp. Manuel Manalo, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, nahihirapan ang mga awtoridad na makakuha ng impormasyon dahil tumatangging makipag-ugnayan ang pamilya ng biktima. Ayon pa kay Manalo, ang kaso ay naibigay na nila sa pamunuan ng NAKTAF. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest