^

Probinsiya

Abu Sayyaf at JI terrorists target ng RP-US war games

-
CAMP AGUINALDO –Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang madaliang paglipol sa mga bandidong Abu Sayyaf Group at sa mga nagkakanlong na teroristang Jemaah Islamiyah (JI) sa Mindanao kaugnay ng panibagong RP-US joint military exercises na planong idaos sa katimugang bahagi ng bansa.

Sinabi ni AFP- Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko, posibleng sa lalawigan ng Tawi-Tawi at Sulu gaganapin ang US-led anti-terrorist training para sa counterpart na tropa ng mga sundalong Pinoy.

Ang lalawigan ng Tawi-Tawi ay isa rin sa mga kilalang balwarte ng mga bandidong Abu Sayyaf at dito’y maraming naganap na madugong sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng militar at ng mga bandido na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong pinuno ng ektremistang grupo.

Sinabi naman ni Phil. Navy Spokesman Capt. Geronimo Malabanan, tututukan nila ang seguridad ng mga US-anti-terrorist trainors sa panahon ng pamamalagi sa bansa at pagsasanay sa mga sundalo ng AFP.

Nilinaw naman ni Commodore George Uy, Commander ng Western Mindanao Naval Forces, bahagi ng ipatutupad na seguridad ay ang paglilimita sa pagkilos ng tropang Kano at hindi ito pahihintulutang magtungo sa labas ng mga ‘training areas’.

Ayon pa kay Kyamko, gagawing lugar para sa pagsasanay ang mga maliliit na isla sa Tawi-Tawi at sa kasalukuyan ay inihahanda ng mga Navy personnel.

Nabatid pa na pakay ng pagsasanay ay ang mapalakas pa ang kapabilidad ng sandatahang lakas hinggil sa epektibong anti-terrorist campaign. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMODORE GEORGE UY

GERONIMO MALABANAN

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

NAVY SPOKESMAN CAPT

TAWI-TAWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with