^

Probinsiya

Punong-guro todas sa sakuna

-
PILAR, Bataan – Isang principal sa High school ng Samal ang kinalawit ni Kamatayan makaraang mabangga ang minamanehong kotse sa kasalubong na Pajero sa intersection ng Barangay Ala-Uli Pilar, Bataan kamakalawa. Hindi na umabot pa ng buhay sa Bataan General Hospital ang biktimang si Crisencia Salandanan ng Mt. View, Mariveles, Bataan. Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang drayber ng Pajero (WLV 817) na si Edwin Tiburcio ng Bunsuran 1st Pandi, Bulacan. Ayon sa pulisya, bandang alas-5 ng hapon nang lampasan ng Honda Civic (WCG 372) ang trak na may plakang TNX 605, subalit sumabit sa likurang bahagi hanggang sa makabangga nito ang kasalubong na Pajero kaya nayupi ang unahan ng kotse at naipit ang biktima. (Ulat ni Jonie Capalaran)

AYON

BARANGAY ALA-ULI PILAR

BATAAN GENERAL HOSPITAL

BULACAN

BUNSURAN

CRISENCIA SALANDANAN

EDWIN TIBURCIO

HONDA CIVIC

JONIE CAPALARAN

MT. VIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with