LPG tank sumabog: Paslit dedo
CAVITE Maagang kinalawit ni Kamatayan ang paslit na batang lalaki habang lima naman ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang liquified petroleum gas (LPG) tank sa loob ng bahay ng mga biktima sa Barangay Pasong Kawayan 2, General Trias, Cavite kahapon. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Renzo Soylo, habang kritikal naman ang amat inang sina: Ronnie, Jocelyn partikular na ang kapatid na babaeng si Nerelyn Soylo at dalawa pa na hindi nabatid ang pangalan. Ayon sa pulisya, naitala ang insidente dakong alas-6:45 ng umaga matapos na mag-leak ang linya ng gas sa loob ng bahay ng mga biktima hanggang sa sumabog sanhi nang pagkakabukas ng kuryente. (Ulat ni Cristina Timbang)