Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina: Rachelle Tuazon Gacayan at Jennifer Tuazon Cacho, kapwa 12-anyos, grade 6 at naninirahan sa nabanggit na barangay.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang dalawa ay nagkayayaang manghuli ng palaka sa sapa malapit sa kanilang tirahan kahit bumubuhos ang malakas na ulan.
Habang nanghuhuli ng palaka ang magpinsan ay lalong lumalakas ang buhos ng ulan at lingid sa kaalaman ng dalawa ay umapaw ang tubig sa ilog hanggang sa rumagasa sa kinaroroonan ng mga biktima.
Hindi na nakuhang makalangoy ng mga biktima dahil sa lakas ng daloy ng tubig hanggang sa maglahong parang bula.
Ayon sa pulisya, nadiskubre ang dalawang bangkay ng biktima sa ilalim ng punong kawayan ng naturang lugar.
Samantala, nawawala naman ang siyam-katao na pinaniniwalaang namatay na makaraang tangayin ng malakas na daloy ng tubig dulot ng bagyong Igme habang tumatawid ang mga biktima sa Apayao River sa bayan ng Flora.
Kabilang sa nawawalang sibilyan ay nakilalang sina: Jualito Domingo, Rommel Domingo, Roel Domingo, Cornelio Foronda, Rhanie Boy Minor, Rommel Tobias, Darlino Baliuag, Wensisly Laguatan at Christopher Domingo na pawang naninirahan sa Flora, Apayao. (Ulat nina EV at Joy Cantos)