Pulis tinodas habang naghahapunan
June 29, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay naghahapunan kasama ang kanyang misis sa sariling bahay sa Barangay Pangpang, Sorsogon City kamakalawa ng gabi.
Agad na namatay ang biktimang si SPO4 Eduardo Lotino, 55, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Sorsogon City at residente ng Our Ladys Village ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, magkasamang naghahapunan ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay at masayang naghuhuntahan.
Ayon sa salaysay ng asawa, biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas ng bintana at tumilansik ang dugo sa mukha ng babae na kaharap ng biktima.
Agad na bumulagta sa sahig ang biktima na tinadtad ng tama ng bala ng malakas na kalibre ng baril.
Wala pang malinaw na motibo sa naganap na krimen, subalit may teorya ang pulisya na isa ang biktima sa inihahasik na karahasan ng mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Tony Sandoval | 21 hours ago
Recommended