^

Probinsiya

Bayan sa Nueva Vizcaya pinangangambahang walang mayor

-
SOLANO, Nueva Vizcaya Dalawang araw na lang bago ang June 30, subalit patuloy pa rin na naguguluhan ang mga residente rito kung sino ang uupo bilang alkalde sa bayang ito dahil sa wala pang malinaw sa mga kandidato kung sino ang magiging pinuno ng bayan bago magtapos ang buwan na ito.

Ang pagkabakante ng nasabing posisyon ay matapos pumanaw si Mayor Heraldo Dacayo, isang araw pagkatapos ng kanyang proklamasyon sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng bayang nabanggit.

Bago binawian ng buhay ang 72-anyos na mayor noong Mayo 14, 2004 dahil sa sakit ay nakita pa nito ang kanyang kalamangan laban sa tatlo nitong katunggali kabilang na ang kanyang bise alkalde, tinapos din nito ang kanyang proklamasyon kabilang ng mga iba pang panalong lokal na opisyal sa bayang ito.

Ayon kay Human Rights lawyer Ernesto Salun-at, dapat na magkaroon ng ruling ang korte kung ang panalong vice mayor ay legal na makakaupo bilang mayor sa June 30.

Umaasa naman si Vice Mayor Wilson Salas, isa sa mga natalong kandidato sa pagka-mayor na ngayon ay kasalukuyang alkalde na magkakaroon ng special election sa nasabing bayan na posible naman itong mangyari ayon sa DILG. (Ulat ni Victor P. Martin)

vuukle comment

AYON

DALAWANG

ERNESTO SALUN

HUMAN RIGHTS

MAYOR

MAYOR HERALDO DACAYO

NUEVA VIZCAYA

ULAT

VICE MAYOR WILSON SALAS

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with