Ayon kay Superintendent Tito Bayangos, police chief ng lungsod na ito, hindi na nakapalag pa ang suspek na si Jeffrey Salenga matapos na makorner sa kanyang pinagkukutaan sa nabanggit na barangay.
Sinabi ni Bayangos na si Salenga ay nakumpiskahan ng di lisensyadong baril ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Judge Bitty Viliran ng Regional Trial Court Branch 65.
Ipinahayag ni Bayangos na si Salenga ay malapit na alalay ni Romeo Mapatac, lider ng notoryus na holdap gang na kumikilos sa Central Luzon partikular sa Metro Manila. Isinasangkot din si Salenga sa asasinasyon ni PO4 Orañes noong 1990s.
Si Romeo Mapatac na dating Army Scout Ranger ay nadismis sa serbisyo matapos na masangkot sa ibat ibang kasong kriminal habang nakatalaga sa Mindanao.
Positibo naman kinilala si Salenga ng kanyang dalawang biktimang negosyante sa Plaza Luisita Complex ng Hacienda Luisita.
Sa pagkakasakote ni Salenga ay posibleng mapadali ang pagdakip sa kanilang lider at iba pang kasamahang sangkot sa highway robbery, gun-for-hire, carnapping at illegal gambling. (Ulat ni BV)