Most wanted sa Legazpi timbog

LEGAZPI CITY – Nagwakas ang pitong taong pagtatago sa batas ng isang 49-anyos na most wanted sa Legazpi City makaraang masakote ng mga kagawad ng PNP-Legazpi sa pamilihang bayan ng Los Baños, Laguna kamakalawa ng umaga. Ang suspek na may patong sa ulo na P.3-milyon pabuya dahil sa102 kaso ng rape ay nakilalang si Arsenio Botalon, may asawa at residente ang Barangay San Roque, Legazpi City. Base sa ulat ni P/Supt. Frank Peñaflor, police chief ng Legazpi City, kay Senior Supt. Guillermo Paguio, police provincial director, nakatanggap sila ng impormasyong nagtatago ang suspek sa nabanggit na lugar kaya agad nitong pinakilos ang pulisya hanggang sa masakote si Botalon. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments